Ang Pagbuot sa Buut ng mga Piling Batid sa Delikasiyang Antiqueño

  • Faye N. Fuentes University of the Philippines Visayas

Abstract

Sasagutin sa papel na ito kung paano nabubuo ang pagkatao ng mga piling Antiqueñong batid sa paggawa ng piking, bandi at sapal. Susuriin ito sa pamamagitan ng Tatluhang Larangan ng Buut ng Panay na binubuo ng huna-huna, batyag at lawas ni Vicente Villan, at ang kaugnayan ng buut sa temang pangkaisipan, emosyunal, kagustuhan at etikal ni Leonardo Mercado. Ang mga sumusunod na tiyak na suliranin ang magiging gabay sa pagsusuri: 1) Paano maminsar7 ang mga tagagawa ng piking, bandi at sapal? 2) Paano isinaalang-alang ang pangkabubut-on8 sa pagbuo nila ng kanilang mga kagustuhan? 3) Paano nakaaapekto sa kanilang pagiging Antiqueñong batid ang larangang lawas? Pinatutunayan ng pag-aaral na ito na ang pagiging batid ay hindi lamang maiuugnay sa pagiging maalam sa proseso nang paggawa ng isang bagay. Ang pagiging batid ay may mataas na pagpapahalaga sa kanyang kapwa. Ang pagiging batid ay nakatatagpo ng kaligayahan sa kanyang ginagawa, hindi lamang para sa kanyang sarili kung hindi maging para sa iba. Sinusuri nila ang lahat mula sa hilaw na materyales, proseso at pagbabalot, upang maibigay ang pinakamagandang produktong kanilang magagawa. Sa pagbuo ng delikasiyang Antiqueño, isinasaalang-alang ng mga piling batid ang kanilang buut sa huna- huna, sa batyag at sa lawas.

Published
2025-06-30
How to Cite
FUENTES, Faye N.. Ang Pagbuot sa Buut ng mga Piling Batid sa Delikasiyang Antiqueño. Humanities Diliman: A Philippine Journal of Humanities, [S.l.], v. 22, n. 1, p. 79-102, june 2025. ISSN 2012-0788. Available at: <https://www.journals.upd.edu.ph/index.php/humanitiesdiliman/article/view/10724>. Date accessed: 22 july 2025.
Section
Articles