Palit(Ang) Tari: Pagsusuri Sa Online Sabong Gamit ang Teorya ng mga Kapital ni Pierre Bourdieu (1930-2002)

[Palit(Ang) Tari: Analysis of Online Cockfighting Using the Theory of Capitals of Pierre Bourdieu (1930-2002)]

  • John Christian M. Agudera
  • Emmanuel C. Domingo
  • Anjanet G. Zacarias
  • Leslie Anne L. Liwanag

Abstract

Abstrak


Sa gitna ng kinaharap na pandemya, umusbong ang online sabong (kilala rin bilang e-sabong). Ito ay tumukoy sa kultural na phenomenon ng labanan, pangyayari, at mga aktibidad ng mga lisensyado o awtorisadong sabungan na matutunghayan sa pamamagitan ng streaming o broadcasting (PAGCOR’s Regulatory Framework for E-Sabong, sariling salin). Gamit ang teoryang post-Marxista ng pilosopong Pranses na si Pierre Bourdieu (1930-2002), na nagpanukalang hindi lamang sapat na masuri ang mga larangan gamit ang pinansyal na kapital, tiningnan kung paano hinubog ang online sabong sa pamamagitan ng iminungkahi niyang apat na uri ng kapital tulad ng pang-ekonomiko, kultural, panlipunan, at simbolikong kapital. Sinuri ng pag-aaral ang nananaig na simbolikong dahas upang maipagpatuloy ang sistema at estruktura ng online sabong na may modelo ng pagkontrol ng mga humahawak sa larangang ito. Bagaman inaprubahan na ang tuluyang pagsuspinde ng online sabong, mahalaga pa rin ang mga natuklasan ng preliminaryong proyektong ito na isinulat sa loob ng
kinakaharap na pandemya na sinuri ang online sabong—isang pagsusugal na dating sa rueda lamang nararanasan, ngunit naging posible na rin sa kaginhawaan ng sariling tahanan.


 


Abstract


Amid the impending pandemic, electronic cockfighting (e-sabong or online sabong) has emerged as a field. It is a cultural phenomenon “of cockfighting matches, events, or activities streamed or broadcasted live from licensed or authorized cockpit arenas” (PAGCOR’s Regulatory Framework for E-Sabong). Using the philosophy of the French post-Marxist theory of Pierre Bourdieu (1930-2002), who argued that it is inadequate to examine specific fields solely through financial capital, this study investigated e-sabong using his proposed capitals such as economic, cultural, social, and symbolic capital. This study examines the prevailing symbolic violence perpetuating in the system and structure of online cockfighting with existing models of control of those who handle it. Though the suspension of online cockfighting is finally approved, the findings of this preliminary project are significant inthe sense that it was written during the pandemic when online cockfighting flourished—a game of gambling that used to be experienced only in the actual cockfighting area, but now became possible in the comfort of one’s home

Published
2025-06-03
How to Cite
AGUDERA, John Christian M. et al. Palit(Ang) Tari: Pagsusuri Sa Online Sabong Gamit ang Teorya ng mga Kapital ni Pierre Bourdieu (1930-2002). Social Science Diliman: A Philippine Journal of Society and Change, [S.l.], v. 19, n. 2, june 2025. ISSN 2012-0796. Available at: <https://www.journals.upd.edu.ph/index.php/socialsciencediliman/article/view/10670>. Date accessed: 01 sep. 2025.
Section
Articles