Katawan at Kapangyarihan: Isang Pagbakat sa Babae sa Epiko ng Suban-on at Tboli
Abstract
Layon ng papel na ito na suriin ang representasyon ng katawan ng babae sa piling epikong-bayan ng mga Suban-on at Tboli. Sa pagsasagawa ng makababaeng pagbasa, tinalakay dito ang katawan bilang lunan ng kapangyarihan at tunggalian. Sa paglalangkap ng teoretikal na lente ng kasaysayang kultural ng katawan at kasarian, sinipat ang mga epiko bilang midyum ng kolektibong alaala at alternatibong pagpapahalaga sa kababaihan. Natuklasan sa pag-aaral na ang kababaihan sa mga epikong ito ay hindi simpleng nakapiit sa tradisyonal at kolonyal na imahen ng kahinaan at kahinhinan, kundi ipinapakita bilang makapangyarihan, may kontrol sa sariling katawan at seksuwalidad, at aktibong tagapagtanggol ng komunidad. Nakita rin ang kahalagahan ng kalinangan sa pagpapahayag ng sariling identidad sa pamamagitan ng katawan at ang modelo ng pagkakaisa ng kababaihan sa harap ng pananakop at digmaan. Sa pagbakat ng mga hinahamon ng papel ang dominanteng ideolohiya ng kasarian at muling binubuksan ang pananaw sa kababaihan bilang aktibong ahente ng kapangyarihan at pagbabago.