Friedrich Nietzsche, “Mabuti at Pangit” “Mabuti at Buktot”
Abstract
Ang sanaysay na ito ay salin ng unang sanaysay ng Tungo sa Henealohiya ng Moralidad. Sa sanaysay na ito, dinevelop ni Friedrich Nietzsche ang metodo na tinawag niyang "henealohiya." Nakabase ang metodo sa linggwistiks, primarya sa etimolohiya, kasaysayan, at pilosopiya. Maaari ding tawagin ang metodo bilang espekulatibong kasaysayan. Sa sanaysay, sinalungat ni Nietzsche ang dalawahang "mabuti at pangit" sa dalawahang "mabuti at buktot." Samantalang sa unang tingin, pareho lang ang unang termino ng dalawang dalawahan ("mabuti"), pag sinuri, lumalabas na ang tunay na katumbas ng "mabuti" ng unang dalawahan ay ang "buktot" ng ikalawang dalawahan. Ang unang dalawahan ang halagahan ng amo. Ito ay aktibo, nagmumula sa sarili. Samantala, ang ikalawang dalawahan ay halagahan ng alipin. Ito ay reaktibo. Argumento ni Nietzsche na nagmumula itong moralidad ng alipin sa inggit, hinanakit, sama ng loob, at pagkalason. Sinasalungat niya ang kaniyang henealohiya sa pilosopiya ng utilitaryanismo, na ibinabase ang moralidad sa gamit at sarap.