MULA HEORTOLOHIYA PATUNGONG PHALLOKRASIYA: ILANG PAGTINGIN SA SIMBOLISMO NG BUTÒ NI JUDAS ISCARIOTE SA KONTEMPORANYONG POLITIKANG PILIPINO
Abstract
Sa mga naging pag-aaral ni Rosario Cruz-Lucero (2003, 2006) unang pormal na natutuhan ang isang selebrasyon at ritwal ng Antique patungkol sa biblikal na karakter ni Judas Iscariote. Batay sa tinatawag na Pagbitay kag Pagsunog kay Hudas (Hudas-Hudas) (Tuazon, 2023), na bagaman ay laganap din sa ilang pamayanan sa labas ng Pilipinas, natatangi ang lalawigang ito dahil makikitang sinusunog ang effigy ni Judas na malalaglagan ng isang butò (pitoy, titi, o phallus). Sentro ng pag-aaral na ito ang pagbibigay-kahulugan at simbolismo sa butò ni Judas na siyang hindi gaanong naging sentro ng pagtalakay sa mga naunang pag-aaral. Ipinoposisyon sa artikulong ito ang kinahinatnang kalagayan at kahulugan ng butò sa kasalukuyan ng nasabing selebrasyon at ritwal. At dahil si Judas at ang kaniyang butò ay ganap nang maituturing bilang mga simbolo, tatangkain din sa pag-aaral na ito ang pag-uugnay sa “butò ni Judas” sa mga politikal na personalidad ng Pilipinas na kapwa itinuring din bilang mga “Judas Iscariote” sa unang banda at ang pagkakasangkot nila sa usapin ng butò sa kabilang dako. Samakatuwid, pagtuon ito sa parallelismo ng katauhan at minarkang katangian ni Judas at ng ilang Pilipinong politiko, kung saan ang butò ay siyang naging kasangkapan at batayan ng sosyo-politikal na pag-uugnay.
(In the works of Rosario Cruz-Lucero (2003, 2006), a formal understanding of a celebration and ritual in Antique, centered on the biblical figure of Judas Iscariot, was first established. This practice, known as the Pagbitay kag Pagsunog kay Hudas (Hudas-Hudas) (Tuazon, 2023), while observed in some communities outside the Philippines, holds particular significance in this province due to the ritual of burning an effigy of Judas, from which a phallus (pitoy/titi) falls. The focus of the present study lies in the interpretation and symbolism of Judas’ phallus, a subject that has not been the primary focus in previous scholarly discussions. This article seeks to contextualize the current significance and meaning of the phallus within the framework of the aforementioned celebration and ritual. Given that both Judas and his phallus are widely recognized as symbols, the study further aims to draw connections between the “Judas’ phallus” and the political figures in the Philippines, who are often metaphorically referred to as “Judas Iscariot.” This exploration will also examine their involvement in the symbolic representation of the phallus. Consequently, the study emphasizes the parallelism between the characteristics of Judas and certain Filipino politicians, where the phallic functions as a cultural symbol and a basis for socio-political connection.)