“Talaga ba? Sa ganda kong ‘to? Sir?”: Paniniyasat sa Pananaw at Karanasan ng mga piling Trans sa Deadnaming at Misgendering

  • Ariel U. Bosque
  • Christopher D. Alonte

Abstract

Layunin ng pag-aaral na masuri ang mga stressor na nararanasan ng piling trans women hinggil sa deadnaming at misgendering, mga epekto nito sa seksuwal na identidad, at pag-aanyo nito bilang microaggression. Bilang kuwalitatibo ang kalikasan ng pag-aaral, nagsagawa ang mga mananaliksik ng semi-structured interview sa limang trans women. Sinuri ang mga nakalap na datos sa pamamagitan ng tematikong analisis. Nasuri sa mga natuklasan ang kompleks na interaksiyon sa pagitan ng distal at proximal stressors. Lumutang ang deadnaming bilang makahulugang anyo ng diskriminasyon. Inilarawan ito ng ilang mga impormante bilang emosyonal at sikolohikong pasanin. May mga impormanteng tinatanaw ang deadnaming bilang isang impormasyonal na hadlang, bagaman lumutang din ito bilang direktang anyo ng imbalidasyon. Lalong pinapalalim ng kakulangan ng mga legal na proteksiyon ang mga hámong dulot ng deadnaming at misgendering. Ipinakikita ng pag-aaral na mahalagang palakasin ang edukasyon tungkol sa SOGIE, pagtibayin ang mga legalidad na makapagbibigay-proteksiyon sa lahat, at ipatupad ang mas ingklusibong mga patakaran upang labanan ang diskriminasyon, partikular sa mga trans woman.


(This study that focuses on deadnaming and misgendering aims to shed light on the effects of these forms of microaggressions as stressors that affect the sexual identity of select trans women. Given that the study is qualitative in nature, the researchers conducted semi-structured interviews to five trans women. The results and data gathered from the interviews were analyzed using thematic analysis. The complex interaction between distal and proximal stressors were uncovered from the analysis.Deadnaming was discovered as the prevalent and significant form of discrimination. This was described as an emotional and psychological burden by the informants. Other informants cited deadnaming as an informational hurdle although there were those who also cited it as a direct form of invalidation of their chosen identity. The lack of legislation and laws that protect and uphold the safety of trans women in the Philippines intensifies the challenges posed by misgendering and deadnaming. The study shows and echoes the need for a comprehensive and relevant need for SOGIE awareness and education, laws that protect everyone from SOGIE-related microaggressions, and more inclusive social environments that prevent discrimination, especially towards trans women.)

Published
2025-05-15
How to Cite
BOSQUE, Ariel U.; ALONTE, Christopher D.. “Talaga ba? Sa ganda kong ‘to? Sir?”: Paniniyasat sa Pananaw at Karanasan ng mga piling Trans sa Deadnaming at Misgendering. Diliman Review, [S.l.], v. 68, n. 2, may 2025. ISSN 0012-2858. Available at: <https://www.journals.upd.edu.ph/index.php/dilimanreview/article/view/10620>. Date accessed: 31 aug. 2025.
Section
Articles